^

Police Metro

3 galing lamay patay sa highway

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tatlong lalaki na ga­ling sa lamay ng nama­yapang kaibigan ang nasawi nang salpukin ng isang sasakyan ang sinasakyan nilang motorsiklo kahapon ng madaling-araw sa bayan ng Aleosan, North Cotabato.

Nasawi noon din sa lugar ng pinangyarihan ang mga biktimang sina Noli Capulong; Delmer Vios; at Delvert Vios pawang residente sa ba­yan ng Midsayap.

Batay sa ulat ng North Cotabato Police, bago nangyari ang  insidente sa lugar bandang alas-12:45 ng madaling-araw ay pauwi na ang mga biktima sakay ng isang motorsiklo galing sa pakikipaglamay sa burol ng kanilang kaibigan.

Subalit lumalabas sa imbestigasyon na bago umuwi ang tatlo ay dumaan muna ang mga ito sa isang  disco club at nag-inuman.

Matapos ang inuman ay nagpasyang umuwi na ang tatlo at habang bumabagtas sa national highway sa hangganan ng Aleosan at Midsayap ay biglang gumewang ang takbo ng motorsiklo sanhi upang masalpok ito ng hindi pa matukoy na sasakyan at nakaladkad ng 100 metro.

Namatay noon din ang tatlo na halos nagkalasuglasog ang mga katawan sa insidente. Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para matukoy at maaresto ang driver na tumakas.

 

vuukle comment

ALEOSAN

BATAY

DELMER VIOS

DELVERT VIOS

MATAPOS

MIDSAYAP

NOLI CAPULONG

NORTH COTABATO

NORTH COTABATO POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with