Commercial rice hinaluan ng pagkain ng hayop
MANILA, Philippines - May halong pagkain ng hayop ang mga imported na commercial rice na galing Thailand na ipinagbibili sa merkado bilang Sinandomeng.
Ito ang ibinulgar kahapon nina Interior and Local Government Secretary Mar Roxas at Presidential Assistant on Food Security and Agricultural Modernization Secretary Francis Pangilinan matapos magsagawa sa mga bodega ng bigas kasama ang PNP –CIDG.
Batay sa ulat, bandang alas-10:30 ng umaga nang salakayin at inspeksyunin ang Purefeeds Corporation sa First Industrial Center sa Brgy. Tikay, Malolos City, Bulacan.
Ang raid sa bodega ng Purefeeds ay ika-18 sinalakay ng PNP-CIDG at NFA kung saan apat sa mga may-ari ang napatunayang sangkot sa illegal na pagbebenta ng mga bigas na hinahaluan ng NFA at ang pinakamatindi pa ay pagkakadiskubre kahapon na may halo na rin itong pagkain ng hayop.
Sasampahan ng kasong paglabag sa Philippine Trade Laws ang may-ari ng sinalakay na Purefeeds Corporation na si Jomerio Soliman.
- Latest