^

Police Metro

Anak salbahe, ina nagbigti

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ang sobrang sama ng loob ng isang 71-an­yos na ina sa kanyang anak matapos siyang sagutin ng pabalang at pagmumurahin ang naging dahilan ng pagbibigti nito naganap kamakalawa sa Zone 7, Upper Culasi, Brgy. Taytay, Goa, Camarines Sur.

Natagpuang nakabigti sa puno ng Malubago at wala ng buhay ang biktimang si Lourdes Peñaflorida.

Batay sa ulat, bago natagpuang patay ang biktima dakong alas-10:30 ng umaga ay nagkaroon sila nang pagtatalo ng kaniyang anak na si Maritess at ng manugang na si Vicente Montes.

Dito ay sinagot nang pabalang at pagmumurahin ni Maritess at ng kanyang asawa ang biktima.

Humagulgol ng iyak ang matanda at nagpaalam sa kanyang mister na mamimitas lamang ng gulay sa likuran ng kanilang bakuran.

Nagtataka ang mister kung bakit ang tagal bumalik ng biktima hanggang sa matagpuan ito ng isang Adelina Climaco, 58 na nakabigti sa puno na may ilang hakbang mula sa likuran ng bahay nito.

 

vuukle comment

ADELINA CLIMACO

BATAY

BRGY

CAMARINES SUR

LOURDES PE

MARITESS

UPPER CULASI

VICENTE MONTES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with