Presyo ng asukal bababa ng piso
MANILA, Philippines - Ngayong araw ay bababa ng piso ang presyo ng asukal sa bansa matapos na ito ay ipag-utos ng Sugar Regulatory Administration (SRA).
Ang pagbaba ng presyo ng asukal ay dahil sa pagpapatupad ng conversion o pagre-classify sa 90,000 MT ng “D” sugar export quality para maging “B” sugar para punan ang domestic consumption.
Sa conversion ng “D” sugar para maging “B” sugar ay bumaba ang presyo ng akusal sa P1,635.33 mula P1,746.63 o aabutin na lamang sa P49 kada kilo ng retail price ng refined sugar sa mga pamilihan mula sa dating P50 kada kilo.
Sa ilalim ng conversion program, pupunan nito ang pangangailangan sa suplay ng asukal sa local market na naging daan para maibaba ang presyo ng produktong asukal sa bansa.
- Latest