^

Police Metro

Lalaki at babae sinalvage

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakaranas ng matinding paghihirap bago pinatay ang isang babae at isang lalaki na ang mga bangkay ay natagpuan sa creek ng isang palayan sa General Trias, Cavite, kamakalawa ng gabi.

Sa salaysay sa pulisya ng isang Joselito Ambata, dakong alas-6:00 ng gabi habang nagpapakain siya ng alagang mga baka nang makaamoy ng mabaho sa lugar.

Hinanap niya ang pinanggalingan ng baho at dito ay nakita ang dalawang bangkay sa creek sa isang palayan sa Brgy. Buenavista 1 na agad nitong inireport sa pulisya.

Inilarawan ng pulisya ang bangkay ng lalaki na nasa 35-45 ang edad, may taas na 5’9”, nakasuot ng pulang t-shirt at maroon khaki short habang ang babae naman ay nasa edad 30-40, nasa 5’5” ang taas, nakasuot ng puting stripe blouse at navy blue na leggings.

Ang dalawa ay kapwa may busal ang mga bibig at nababalutan ng packaging tape ang mukha bago tinakluban ng t-shirt. Nakagapos din ng tape ang mga kamay at paa ng mga ito habang kapwa may mga sugat at pasa sa katawan at may marka ng sakal sa leeg at bukod pa rito ay kinakitaan pa ng tatlong pako sa ulo ang lalaking biktima.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya upang makilala ang dalawang biktima na pinaniniwalaan na pinatay sa ibang lugar at doon lang itinapon upang mailigaw ang imbestigasyon.

vuukle comment

BRGY

BUENAVISTA

CAVITE

GENERAL TRIAS

HINANAP

INILARAWAN

JOSELITO AMBATA

NAKAGAPOS

NAKARANAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with