^

Police Metro

2 daga sa selda ni Bong pinangalanan na Boom Panot at Boy Pickup

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inaalagaan na ngayon ni Senador Ramon “Bong” Revilla ang dalawang daga sa selda nito sa PNP –Custodial Center sa Camp Crame.

Sa pahayag ng media officer ni Bong na si Clifford Elorde, pinangalanan ni Bong na “Boom Panot” dahilan halos nakakalbo na ang mga balahibo nito at ang isa naman ay “Boy Pickup” dahil sumalisi ito sa kaniyang mga pagkain.

Nang matanong naman kung pinatatamaan ni Revilla sina Pangulong Benigno Aquino III sa Boom Panot at Interior and Local Government Secretary Mar Roxas na Boy Pickup ay sinabi ni Elorde na bahala ng magbigay ng interpretasyon ang sinuman.

Magugunita na sa kaniyang privilege speech sa Senado ay binansagang Boy Pickup ni Revilla si Roxas sa gitna na rin ng mainit na isyu at balitaktakan sa kontrobersyal na pork barrel scam.

Aminado naman si Chief Supt. Reuben Theodore Sindac na maraming lumang gusali sa loob ng PNP Custodial Center at dahilan sa may ginagawa dito ay maaaring nabulabog ang mga daga na siyang nagtutungo sa selda ni Bong.

Ayon naman sa ilang mga insider posibleng dahilan ay bumabaha ng pagkain sa selda ng Senador na maaring naamoy ito ng mga nagugutom na dagang kanal.

 

vuukle comment

BOOM PANOT

BOY PICKUP

CAMP CRAME

CHIEF SUPT

CLIFFORD ELORDE

CUSTODIAL CENTER

PANGULONG BENIGNO AQUINO

REUBEN THEODORE SINDAC

REVILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with