2 NBP Doctors, head guard sinibak
MANILA, Philippines - Dahil sa pagbibigay ng referral para makapagpagamot sa pribadong ospital ang mga high profile inmate ng National Bilibid Prison ay sinibak na kahapon ni Justice Secretary Leila de Lima ang dalawang prison doctor at opisÂyal prison jail guard. Batay sa Department Order 405 na may petsang June 13, 2014, sinibak sa pwesto sina Dr. Gloria Achazo-Garcia, Acting Hospital Head ng New Bilibid PriÂson Hospital; Dr. Ma. Cecilia V. Villanueva, Medical Specialist I at Prison Supt. Gabriel Magan, hepe ng New Bilibid Prison Escort Unit.
Inatasan din ni De Lima si Bureau of Corrections Director Franklin Bucayu na magtalaga ng pansamantalang kapalit sa pwesto ng tatlong opisyal para hindi maapektuhan ang operasyon ng NBP Hospital.
Bukod sa pagsibak ay inatasan nito ang tatlo at iba pang prison guards ng Bilibid kung bakit hindi sila dapat maharap sa reklamong administratibo.
Binigyan ni De Lima ng 72 oras ang tatlo para makapagsumite ng paliwanag kaugnay sa kontrobersyal na pagpapagamot ng high profile inmate na si Ricardo Camata sa Metropolitan Medical Center.
Ayon naman kay Justice Undersecretary Francisco Baraan III, kailaÂngan lamang na ipaliwanag ng tatlo kung bakit hindi hiningi ang clearance ni De Lima.
Una nang inalis sa pwesto sina NBP Chief Superintendent Fajardo Lansangan at 12 pang guards.
- Latest