^

Police Metro

Mag-ingat sa mga batang ‘hamog’ sa Maynila -MPD

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinag-iingat ng Manila Police District (MPD) ang mga mamamayan sa mga napapadpad sa night bar sa Malate, Maynila na iwasan ang mga batang ‘hamog’ palaboy, nagpapalimos at nagtitinda ng bulaklak  dahil pinaniniwalaang pinakikilos ng sindikato para mang-holdap.

Ito’y matapos na  magreklamo sa tanggapan ng Manila Police District-General Assignment Section,  ang isang 27-anyos si Yeonkyung Jin, nanunuluyan sa  no. 1202 Grand Emerald Tower Condominium, Ortigas Center, Pasig City.

Sa salaysay ng Korean national, naglaho ang kaniyang wallet na naglalaman ng $500, P2,000 at cellphone matapos siyang palibutan ng tinatayang 12 batang kalye, na ang ilan ay nag-aalok ng Sampaguita at Rosas, habang ang karamihan ay nanghihingi umano ng limos, dakong alas-2:00 ng madaling araw ng Sabado, sa Adriatico St., Malate.

Ani PO3 Jayjay Jacob, nang lumabas ng bar ang biktima at kaniyang girlfriend  ay nagsilapit na ang mga batang suspek habang sila ay naghihintay ng taxi, sabay-sabay umanong nangungulit sa kaniya ang may 12 bata at  hindi nagtagal ay sabay-sabay din siyang iniwan, at nang kapain ang pitaka ay wala ito, maging ang cellphone sa kaniyang bulsa ay nadukot.

Nagsasagawa naman ng operasyon ang mga ope­ratiba ng MPD-GAS para hanapin ang mga batang mandurukot na pinaniniwalaang may sindikato na nasa likod na nagmamando sa istilo ng pandurukot.

 

ADRIATICO ST.

GRAND EMERALD TOWER CONDOMINIUM

JAYJAY JACOB

MANILA POLICE DISTRICT

MANILA POLICE DISTRICT-GENERAL ASSIGNMENT SECTION

ORTIGAS CENTER

PASIG CITY

YEONKYUNG JIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with