Tatakbong Pangulo sa 2016: Kahit nakakulong Sen. Bong, ‘buo ang loob’
MANILA, Philippines - Buo ang loob’ ni Sen. Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. na ituloy ang pagtakbo sa 2016 preÂsidential race kahit nakakulong ito tulad ng ginawa noong 2007 elections ni Sen. Antonio Trillanes lV.
Sinabi ni Sen. Bong, desidido na siyang tumakbo sa 2016 presidential elections lalo pa’t lumaÂlakas ang panaÂwagan na tumakbo siya bilang pangulo.
Ayon kay Revilla, sakaling makulong siya gagawin niya ang ginawa ni Trillanes na may mga ibang kasamahan na nagpapaliwanag sa kanyang pagkakulong.
Si Trillanes ay nakulong ng mahigit pitong taon sa ilalim ng administrasyon ni dating PaÂngulo at ngayon Pampanga Rep.Gloria Macapagal-Arroyo pero kumandidato noong 2007 election at pinalad na manalo.
Aniya, sa ngayon habang wala pa ang arrest warrant laban sa kanya ay mag-iikot na siya sa mga lalawigan para ipaliwanag ang kanyang kaso.
Sinabi pa nito na tulad nina Senators Juan Ponce Enrile at Jinggoy Estrada naka-impake na rin ang kanyang mga gamit at hindi na niya hihintayin pang arestuhin bagkus ay kusa siyang susuko sakaling ilabas na ang mandamento de aresto.
Ang tatlo ay sinampahan ng kasong plunder dahil nakinabang umano sa P10-bilyong pork barrel na inuugnay naman kay Janet Lim-Napoles.
- Latest