Murang bawang ikakalat ng DA
MANILA, Philippines - Nakatakdang ikalat ng Department of Agriculture ang mga rolling stores ng ahensiya para magbenta ng murang bawang sa Metro Manila at karatig lalawigan para labanan ang imported na bawang na sobra ang mahal sa palengke.
Ayon sa DA, may 6 metric tons ng bawang ang ikakalat sa mga paÂngunahing palengke sa Metro Manila.
Sinimulan na kahaÂpon ng mga lokal na magsasaka na magbenta ng murang bawang sa mga rolling stores na nakakalat sa mga palengke.
Umaabot sa 100 hangang P200 ang kilo ng bawang dito depende sa laki samantalang ang mahal na bawang na mula sa Taiwan ay may halagang P300 pataas ang kada kilo.
- Latest