Holiday pay bayaran ng tama-DOLE
MANILA, Philippines - Muling nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) na dapat bayaran ng tama ang mga manggagawang maglilingkod o papasok sa trabaho ngayong “Araw ng Kasarinlanâ€.
Ayon kay Labor Secretary Rosalinda Baldoz na dapat isipin ng mga employer na sa pagbibigay ng tamang regular holiday pay sa mga kawani ay hindi lamang pagsunod sa business practice kundi maituturing ding patriotic duty o makabayang tungkulin.
Makakatanggap ng 100 porsyento ng kanyang suweldo para sa nabanggit na araw; kung pumasok naman ay dapat na doble ang kaniyang suweldo para sa unang walong oras na trabaho; sakaling mag-overtime ay babayaran siya ng karagdagang 30-porsyento ng kanyang hourly rate para sa nasabing araw.
Kung nagkataon namang rest day ng manggagawa, pero pumasok siya sa trabaho, babayaran siya ng karagdagang 30 porsyento ng dobleng halaga ng kanyang sahod para sa nabanggit na araw o 200 porÂsÂyento ng kanyang arawang sahod.
- Latest