Signal No. 1 sa 3 lalawigan
MANILA, Philippines - Itinaas kahapon ang public storm warning signal number 1 sa buong parte ng extreme northern Luzon, matapos na maging ganap nang bagyo ang low pressure area (LPA) kahapon.
Ayon sa PAGASA ang bagyo ay tatawaging depression,’’Ester’’, na nakita sa 120 kilometers north ng Basco, Batanes as of 10 a.m.
Kaya’t inilagay sa signal no.1 ang lalawigan ng Batanes, Calayan, at Babuyan groups of islands at asahan na ang 30 hanggang 60 kilometers per hour (kph) na hangin sa loob ng 36 oras.
Sinabi ng PAGASA na si Ester ay may taglay na lakas na 65 kph malapit sa gitna at maaaring pang lumakas hanggang 80 kph.
Patuloy na palalakasin ng bagyo ang habagat na magdudulot ng mga pag-uulan sa Ilocos Region, lalawigan ng Zambales at Bataan gayundin sa iba pang bahagi ng Luzon kasama na ang Metro Manila.
Si Ester ang ikalimang bagyo na pumasok sa bansa ngayong 2014.
- Latest