^

Police Metro

‘Grace period’ ng GSIS sa Yolanda victims pinalawig

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Higit pang pinalawig ng Government Service Insu­rance System (GSIS) ang “grace period” o ekstensyon ng pansamantalang hindi pagbabayad sa kanilang mga amortisasyon hanggang Nobyembre ngayong taon sa mga miyembro nilang biktima ng bagyong Yolanda.

Sinabi ni GSIS President Robert Vergara, umaasa siya na habang hindi muna nagbabayad ng amortisasyon sa kanilang mga utang sa “Home Emergency Loan Program (HELP)”, tututok ang mga miyembro nila sa pagkukumpuni at muling pagtatayo ng kanilang mga nasirang tahanan upang makabalik sila sa normal na buhay.

Una nang naka-iskedyul na magbayad ng kanilang amortisasyon ngayong Hulyo ang mga umutang sa pamamagitan ng HELP.  Ngunit nakarating sa GSIS na marami sa mga umutang ay hindi pa ganap na nakakabawi buhat sa trahedyang tumama sa kanila ng bagyong Yolanda kaya nagdesisyon ang GSIS na palawigin pa ang “grace period” para sa kanila.

Una na ring nagbigay ng ekstensyon sa pagbabayad ng iba pang uri ng loans sa kanilang mga miyembro at pensioners ang GSIS hanggang Oktubre 2014 sa mga lugar na tinamaan ng bagyong Yolanda.

Binuksan ng GSIS ang HELP window nitong Enero para tumulong sa pagbagong ng mga biktima ng Yolanda.  Ang mga miyembro na nasa pamahalaan ng 10 taon ay maaaring makautang ng hanggang P200,000 at ang mababa sa 10 taon ay maaaring umutang ng P100,000.

 

BINUKSAN

ENERO

GOVERNMENT SERVICE INSU

GSIS

HIGIT

HOME EMERGENCY LOAN PROGRAM

PRESIDENT ROBERT VERGARA

YOLANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with