3 bagyo papasok sa PH ngayon June -PAGASA
MANILA, Philippines - Tatlong bagyo ang posible umanong pumasok sa bansa ngayon buwan ng June.
Ito ang sinabi ni Buddy Javier, weather Forecaster ng kagawaran, kung saan kadalasan umano ang mga bagyo na papasok sa bansa mula June at October, ay madalas na tumama sa eastern seaboards ng Visayas at Luzon, habang sa last quarter ay maaring tumama sa Northern Mindanao.
Kada taon, may average na 12 hanggang 18 bagyo ang tumatama sa bansa.
Dahil sa Low Pressure Area (LPA), dagdag ni Javier ang rehiyon ng Ilocos, Cordillera, Cagayan Valley at Central Luzon ay bahagyang magiging maulap ang kalangitan na may manaka-nakang pag-ulan, at pagkulog.
Ang buntot ng LPA ay nakaka-apekto sa Northern Luzon na patuloy na magdudulot ng pag-ulan
Sinabi ni Javier, nanatiling nasa labas ng Philippine Area of Responsibility ang LPA pero maliit lamang anya ang tsansang pumasok ito sa bansa sa susunod na 24 oras.
Kaugnay nito, maaring maramdaman ang soutwest moonsoon o “hanging habagat na magdudulot ng maulap na papawirin at mga pag-ulan sa Luzon, partikular sa western section sa susunod na tatlo hanggang limang araw.
Gayunman, hindi pa rin nila maideklara ang pagsisimula ng panahon ng tag-ulan.
- Latest