^

Police Metro

Hindi pinayagang makapag-enroll 30 estudyante, hunger strike

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dahil hindi pinayagang makapag-enroll kaya magsasagawa ng isang linggong hunger strike ang 30  estudyante ng Eulogio Amang Rodriguez Institute of Science and Technology (EARIST) sa Sta. Mesa, Maynila.

Sinabi ni Christian Yamzon, media officer ng KAMAO EARIST ANAKBAYAN Metro Manila, kasama ng mga block-listed na estudyante ang kanilang mga magulang at taga-suporta sa hunger strike  laban sa tinagurian nilang campus repression ngayong umaga June 9 sa   Valencia Gate ng kolehiyo na nasa  Valencia Street, Nagtahan, Sta. Mesa.

 â€œAs State Universities and Colleges open classes today, barred students of EARIST from enrolling this school year, with their parents and supporters will start their 5-day hunger strike and will mount their protest camp in from their campus in Manila to call for their administration and to President Benigno Simeon Aquino III to let them enroll this school year with no compromise”, ayon sa pinadalang statement ng grupo.

 Ang mahigit na  30 estudyante ng EARIST ay pumalag  nang hindi sila payagan ng presidente ng pamantasan na makapag-enrol ngayong taon dahil sa pagpalag sa anila ay illegal collection na P1,000  para sa umano ay Development Fee kada estudyante o tumataginting na P25-M sa kabuuan.

 Ayon sa grupo, ang  5-day hunger strike na sisimulan ngayon ay matatapos lamang sa sandaling  payagan ang mga estudyante na makapag-enroll.

 â€œStarting today also, they will hold overnight vigil outside their campus. Program and burning of masks of PNoy and their school president, waivers and EARIST logo will also be held all throughout the day tomorrow”, ayon pa kay Yamzon.

 

AS STATE UNIVERSITIES AND COLLEGES

AYON

CHRISTIAN YAMZON

DEVELOPMENT FEE

EULOGIO AMANG RODRIGUEZ INSTITUTE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY

METRO MANILA

PRESIDENT BENIGNO SIMEON AQUINO

VALENCIA GATE

VALENCIA STREET

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with