Ayaw magbayad ng utang: Mister sinaksak, misis sinapak
MANILA, Philippines - Kapwa naospital ang isang mag-asawa matapos na saksakin ang mister habang ang kanyang misis naman ay sinapak ng kanilang pinagkakautangan kamakalawa ng gabi sa Malabon City.
Ang mag-asawa ay kinilalang si Joey Alvarez, 36, at misis nitong si Mary Grace, 34, kapwa residente Gov. Pascual Avenue, Barangay Catmon ng natuÂrang lungsod.
Naaresto naman ang suspek na si Marvin Dela Cruz, 25, ng Sanciangco St., Catmon ng nabanggit na barangay.
Sa ulat, dakong alas-7:00 ng gabi habang nakikipag-inuman sa tapat ng kanilang bahay ang mister sa ilang mga kapitbahay nang dumating ang suspek at naniningil sa matagal na nilang utang ng kanyang misis.
Napahiya sa mga kainuman ang mister, na naging dahilan upang makipagtalo sa suspek hanggang sa mauwi sa suntukan.
Nakabunot ng patalim ang suspek at sinaksak ang biktima at nang umawat ang misis ay sinapak ito na naging dahilan upang mawalan ng malay ang ginang hanggang sa isinugod ang mga ito sa nabanggit na ospital.
- Latest