^

Police Metro

High profile inmates sa Bilibid ibubukod ng gusali

Doris Franche-Borja, Lordeth Bonilla - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagpasya ang Department of Justice na ibukod ng gusali ang mga hinihinalang nabibigyan ng VIP treatment sa New Bilibid Prison.

Sinabi ni  Justice Undersecretary Francisco Baraan na tinatapos na ang Building 14 sa NBP kung saan ipapasok ang mga sinasabing VIP inmate. 

Kabilang sa mga umano’y nabigyan ng VIP treatment ay ang preso na si Ricardo Camata, lider ng Sigue Sigue Sputnik gang na nakapagpa-confine sa Metropolitan Hospital sa Maynila at nabisita pa ng starlet noong Mayo 31 at dalawa pang babae nitong Hunyo 1.

Iimbestigahan din sina Herbert Colangco, lider ng isang bank robbery gang; at Amin Buratong, isang drug lord. 

Gayunman ay pansamantala lang din ang pananatili ng “VIP inmates” sa Building 14 dahil desidido na ang DOJ na ilipat ang NBP sa Fort Magsaysay sa Nueva Ecija na ang layon ay mabigyan ng mas maayos na kulungan ang mga preso alinsunod sa international standards dahil  masyado na umanong luma ang  NBP na gagawin naman na commercial area.

Samantala, nagpatibay ang hinala ng DOJ na nabibigyan ng VIP treatment ang ilang high profile inmates matapos na madiskubre ang 30  golf carts at electric bikes.

Ayon kay Baraan, nabatid na nakaparada ang golf carts at e-bikes sa gilid ng stage malapit sa opisina ng escorting unit.

Kaya’t kasama na nilang iniimbestigahan kung sino ang nagbigay ng permiso na maipasok ang golf carts at e-bikes sa compound at magamit ng mga preso.

Nadiskubre lang na nabibigyan ang high profile inmates ng VIP dahil sa pagpapa-confine sa ospital nang walang permiso ni Justice Secretary Leila de Lima.

 

vuukle comment

AMIN BURATONG

DEPARTMENT OF JUSTICE

FORT MAGSAYSAY

HERBERT COLANGCO

JUSTICE SECRETARY LEILA

JUSTICE UNDERSECRETARY FRANCISCO BARAAN

METROPOLITAN HOSPITAL

NEW BILIBID PRISON

NUEVA ECIJA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with