Bar sa QC ipinasara ni Joy B.
June 6, 2014 | 12:00am
MANILA, Philippines - Ipinasara ni acting QC Mayor Joy Belmonte ang Queens Chamber Amusement Center sa Quezon Avenue QC dahil sa iba’t ibang paglabag at ordinansa sa lungsod.
Nadiskubre na may mga tauhang kababaihan na walang occupational permit at nag-empleyo ng mga tinedyer.
Sa 62 kababaihang trabahador ay 38 ay dito walang occupational permit, 24 ay depektibo ang dokumento at 4 ay minors.
Isa pang nakitang paglabag ng naturang bar ay ang pagkakaroon ng mga naka-padlock na mga kuwarto na hindi pinapayagan ng batas.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended

















