2 kolektor utas sa holdap
MANILA, Philippines - Dalawang kolektor ng lending business ang nasawi matapos na pagbabarilin ng tatlong hindi pa nakilalang mga armadong holdaper kamakalawa sa Brgy. Poblacion, Kalawit, Zamboanga del Norte.
Ang mga nasawi ay kinilalang sina Noel Daarol at Remar Cano; kapwa 30-anyos na nagtratrabaho bilang kolektor ng Duan Jhon Lending Corporation na nakabase sa bayan ng Liloy ng lalawigan.
Sa ulat, bago nangyari ang krimen bandang alas-10:00 ng umaga sa kahabaan ng highway ng Sitio Pulo Langan, Brgy. Poblacion ng bayang ito ay magkaangkas sa kulay pulang Suzuki motorcycle ang dalawang biktima na nangolekta sa kanilang mga kliyente sa bayad ng pautang ng kanilang kumpanya nang pagbabarilin ng tatlong armadong suspek pagdaan sa lugar.
Tumilapon sa motoÂrÂsiklo ang mga biktima na habang naghihingalo ay puwersahang kinuha pa ng mga suspek ang bag ng mga ito na naglalaman ng malaking halaga ng kanilang koleksyon.
Mabilis na tumakas patungo sa hindi pa malamang destinasyon ang mga suspek.
- Latest
















