^

Police Metro

5 katao dedo sa sunog

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi na nakalabas sa kanilang kuwarto ang lima katao matapos na lamunin ng apoy ang dalawang palapag ng isang gusali kahapon ng madaling-araw sa Delpan, Tondo, Maynila.

Kinilala ang mga nasawi na sina  Joana Raceth dela Cruz, 21, kapatid nitong si Jamaica, 17, mga apo ng may-ari ng tindahan; Shane, 21; Junjun, 16, tindero at Tintin na nasa edad 19-21, tindera.

Batay sa ulat ng Manila Fire Department, dakong alas-3:56 ng madaling-araw nang magsimula ang sunog sa ikalawang palapag  ng gusali  na pag-aari ni Wilson Villanueva na matatagpuan sa #870 Sto. Niño St. na nagkataong nasa Aklan.

Nabatid na sa isang kuwarto sa ikalawang palapag   magkakasamang natutulog sina Joana at  Jamaica at Shane, at sa kabilang kuwarto naman si Junjun nang maganap ang sunog.

Nakaligtas naman ang kamag-anak ng pamilya Villanueva na si Albert Andrade at dalawang  houseboy na sina Marvin Prado at Ronald Bolivar na tumalon umano sa terrace matapos na hindi mabuksan ang pintuan ng kuwarto ng mga biktima.

Natagpuan ang bangkay ng apat sa unang palapag  matapos  na  gumuho ang itaas na bahagi ng bahay.

Habang natagpuan ang bangkay ng ikalimang nasawi na si Tintin sa banyo ng unang palapag.

Sa salaysay ng  dalawang househelper, pasado alas-3:00 ng madaling araw nang magsara ang mini-grocery store at nagising na lamang sila na makapal na ang usok at may apoy na.

Pinilit pa umano  nilang buksan ang kuwarto ng mga kasamahan upang sila’y gisingin subalit  nakakandado  sa loob.

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog bago ito tuluyang naapula ganap na alas-5:00 ng umaga.

Patuloy ang imbestigasyon kung ano ang pinagmulan ng sunog.

vuukle comment

ALBERT ANDRADE

JOANA RACETH

JUNJUN

MANILA FIRE DEPARTMENT

MARVIN PRADO

RONALD BOLIVAR

SHANE

TINTIN

WILSON VILLANUEVA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with