8 NBI agent inireklamo ng 13 katao
MANILA, Philippines - Walong miyembro ng National Bureau of Investigation (NBI) ang inaresto matapos na ireklamo ng 13 katao naganap kamakailan sa Lasam, Cagayan.
Ang walong NBI agent na inaresto ay kinilalang sina Levi Omar M. Orille; Joseph Eufemio F. Martinez; Jose Rommel Ramirez; Nelson Moreno; Ferdinand Manuel; Edgardo Kawada; Allan Elefante at Michelle Fernandez, pawang nakatalaga sa NBI na nakabase sa Maynila na sinampahan ng kasong kidnapping, robbery at paglabag sa domicile, unlawful arrest at grave coercion.
Base sa ulat ni Police Chief Inspector Gasmen Felix, hepe ng Lasam, Cagayan Police Station, noong Mayo 29 ng taong kasalukuyan, alas-10:00 ng umaga sa Barangay Callao Norte nang aresÂtuhin ang walong NBI agent matapos silang ireklamo ng 13 katao sa pangunguna ng mag-amang sina Lasam Councilor John Isaac Agatep III at John Isaac Agatep Jr.
Nagkaroon umano ng paglabag ang walong NBI agent matapos wala umanong koordinasyon sa local na pulisya at dukutin umano nila si Agatep Jr., at i-harass ang grupo nito.
Ilang oras ding nakulong sa himpilan ng pulisya ang walong NBI, subalit pinalaya rin matapos ibasura ng piskalya ng Lasam, Cagayan ang mga kasong isinampa sa kanila.
- Latest