^

Police Metro

2 Sekyu utas sa saksak

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi nagamit ng dalawang sekyu ang kanilang mga baril nang mapatay sila sa  saksak ng kanilang mga kaaway sa magkahiwalay na krimen sa Caloocan City at  Valenzuela City.

Namatay noon din ang biktimang si Atilano Combate, 46, ng Phase 3, Bagong Silang, Caloocan City habang isinugod naman sa East Avenue Medical Center ang tricycle driver na si Roderick Estrella, nasa hustong gulang na nakaduwelo ng una.

Sa ulat, dakong ala-1:00 ng madaling-araw nang makarinig nang sunud-sunod na putok ng baril ang mga residente ng Congressional Road, Camarin.

Nang alamin ay tumambad ang duguan at wala nang buhay na katawan ni Combate at sa hindi kalayuan ay nakita ang baril nitong kalibre 38.

Nakita si Estrella na nakalugmok rin sa hindi kalayuan dahil sa tama ng baril kaya’t hinala na nagkaroon ng duwelo ang dalawa.

Ganito rin ang nangyari sa security guard na si John Mariano, 43, nang pagsasaksakin ng lasing na si Celso Gujilde, manggagawa sa isang sawmill sa Valenzuela City.

Nabatid na dakong alas-9:30 ng gabi ay duma­ting ang suspek na lasing na lasing, subalit hindi ito pinapasok ng biktima dahil sa pinaiiral na polisiya na bawal pumasok sa loob ng kumpanya ang nasa impluwensiya ng alak.

Ikinagalit ito ng suspek at sumiklab ang mainitang pagtatalo hanggang sa bumunot ng patalim at sunud-sunod na pinagsasaksak ang biktima sa sikmura.

Makalipas ang ilang oras ay nadakip ang suspek sa kanilang bahay sa isang follow-up operation.

vuukle comment

ATILANO COMBATE

BAGONG SILANG

CALOOCAN CITY

CELSO GUJILDE

CONGRESSIONAL ROAD

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

JOHN MARIANO

RODERICK ESTRELLA

VALENZUELA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with