^

Police Metro

Mayor, 2 gunman todas sa ambush

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang mayor ng Laak, Compostela Valley habang napatay ng security escort ng una ang dalawang suspek sa naganap na ambush kahapon ng umaga sa Asuncion, Davao del Norte.

Kinilala ni Captain Ernest Carolina, Spokesman ng Army’s 10th Infantry Division (ID) ang biktimang si Mayor Reynaldo Navarro ng Laak, Compostela Valley na idineklarang dead on arrival sa Tagum City Hospital.

Kasalukuyang ina­alam  pa ang pagkaka­kilanlan ng dalawang napatay na suspek na inabandona ng mga tumakas nitong kasama.

Batay sa ulat, bandang alas-9:00 ng umaga ay kasalukuyang bumabagtas ang convoy ng alkalde sa kahabaan ng highway  ng K9, Brgy. Sagayen,  Asuncion  ng lalawigan nang pagbabarilin ng anim na kalalakihan na pawang armado ng M14 garand rifle na lulan ng tatlong motorsiklo.

Hindi nasiraan ng loob ang mga security escort ni Mayor Navarro at  nakipagpalitan ng putok sa mga suspek at napatay ang dalawang dito.

Inaalam pa kung may kinalaman ang mga rebeldeng New People’s Army, gun for hire  o posible ring ang mga kalaban sa pulitika ng alkalde sa naganap na pananambang.

vuukle comment

ASUNCION

CAPTAIN ERNEST CAROLINA

COMPOSTELA VALLEY

INFANTRY DIVISION

LAAK

MAYOR NAVARRO

MAYOR REYNALDO NAVARRO

NEW PEOPLE

TAGUM CITY HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with