^

Police Metro

Kapalit ni Gov. Ejercito pinaupo na ng Comelec

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Matapos ang limang araw na palugit na binigay ng Commission on Elections (Comelec) para makakuha ng temporary restraining order (TRO) ang pinatalsik na si Laguna Governor E. R. Ejercito ay pinaupo na ng Comelec  si Laguna Vice Governor Ramil Hernandez bilang bagong gobernador ng lalawigan.

Ayon kay  Comelec Chairman Sixto Brillantes, na hanggang noong Lunes  lamang ang ibi­nigay na palugit kay Ejercito para makakuha ng TRO, subalit ngayong araw pa ang en banc session ng kataas-taasang hukuman kung saan posibleng talakayin ang petisyon ni Ejercito.

Kung makakuha na si Ejercito ng TRO o magpalabas ang Supreme Court ng status quo ante order  laban sa pag-upo ni Hernandez si Ejercito pa rin ang kanilang kikilalanin.

Nabatid na binarikadahan na ang kapitolyo upang hindi makapasok ang sinumang magpapatupad ng kautusan ng Comelec.

Si Ejercito ay dinis­qualify ng poll body dahil umano sa overspending noong 2013 elections

 

AYON

COMELEC

COMELEC CHAIRMAN SIXTO BRILLANTES

EJERCITO

LAGUNA GOVERNOR E

LAGUNA VICE GOVERNOR RAMIL HERNANDEZ

SI EJERCITO

SUPREME COURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with