^

Police Metro

Holdaper todas sa shootout

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Todas ang isang hindi pa nakikila­lang holdaper makaraang makipagbarilan sa mga pulis matapos hol­dapin ang isang lady­guard sa Brgy. Commonwealth, Quezon City kamakalawa ng gabi.

Ang suspek ay tinatayang nasa edad na 30-40, kayumanggi ang balat, katamtaman ang panga­ngatawan na nasawi noon din dahil sa tinamong tama ng bala sa kanyang katawan.

Nakatakas naman ang isang kasamahan ng suspek at kasalukuyan nga­yong pinaghahanap ng mga pulis.

Ayon kay SPO4 Peter Wala-Wala ng Quezon City Police District-Station 6, ganap na alas-9:40 ng gabi ng maganap ang insidente sa Kagawad Road, Brgy. Commonwealth, Quezon City.

Bago maganap ang shootout, sinasabing hinoldap ng dalawang suspek ang biktimang si Melinda Librado, 50, security guard, ng Brgy. Muzon, San Jose del Monte, Bulacan  sa Litex Road.

Tinangay ng mga suspek ang bag ng biktima saka mabilis na tumakas patungo sa direksyon ng Kagawad Road.

Nagreklamo naman ang biktima sa himpilan ng QCPD station 6 Batasan saka nagsagawa ng operasyon ang mga pulis sa pangunguna ni Senior Inspector Hector Ortencio.

Habang nagpapatrulya ang mga pulis sa naturang lugar  ay na-ispatan ng mga ito ang mga suspek habang sakay ng motorsiklo at naghahanap pa ng kanilang bagong biktima.

Sinita ng mga pulis ang mga suspek subalit agad bumunot ng baril at pinaputukan ang mga awtoridad.

Gumanti naman ng putok ang mga pulis at nang mapawi ang putukan ay tumimbuwang ang isa sa mga suspek habang nakatakas naman ang isa pa.

Nabawi ng pulisya mula sa suspek ang isang kalibre 45 baril, isang ma­gazine na may bala.

 

vuukle comment

BRGY

KAGAWAD ROAD

LITEX ROAD

MELINDA LIBRADO

PETER WALA-WALA

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT-STATION

SUSPEK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with