^

Police Metro

8 Chinese, 2 pa tiklo sa illegal mining

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sampu katao kabilang ang walong Chinese nationals ang nasakote ng mga awtoridad matapos maaktuhang illegal na nagsasagawa ng pagmimina at quarrying operations  sa Lower Sibatang, Pagadian City, Zamboanga del Sur kamakalawa.

 Kinilala ni Sr. Inspector Joseph Ortega, Spokesman ng Police Regional Office (PRO) 9 ang mga nasakoteng suspects  na sina Li Gi Yi, 29 ; Chung Yong De, 27; Zhang Shu Kei, Duan Guang Zong , 55; Lui Chang Yin, 50; alyas Tangzihan, 25 ; alyas Xiaomin, 36; alyas Dongdong, 39. Kasama pa ang Pinay na cook ng mga ito na si Jennylyn Ramirez  na tubong Masbate at isa pa na hindi natukoy ang pangalan.

Nagsagawa ng operasyon dakong alas-10 ng umaga ang pinagsanib na elemento ng Pagadian City Police Station sa pamumuno ni Supt. Glenn Macario Dulawan at Provincial Safety Company sa pamumuno ni Supt. Michael Pineda Palermo, mga kinatawan ng Department of Environment and Natural  Resources at iba pa sa nasabing lugar.

Sinabi ni Ortega na ginto ang minimina ng mga Chinese at mercury naman ang kinukuha ng mga ito sa quarrying operations.

 Narekober mula sa mga ito ang dalawang unit ng  caterpillar back hoe  at iba pang equipment na gamit sa illegal na pagmimina at quarrying. Kalaboso na ngayon  sa detention cell ng Pagadian City Police ang mga suspek na nahaharap sa kasong kriminal.

 

CHUNG YONG DE

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL

DUAN GUANG ZONG

GLENN MACARIO DULAWAN

JENNYLYN RAMIREZ

LI GI YI

LOWER SIBATANG

LUI CHANG YIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with