^

Police Metro

Tsinoy timbog sa P50-M shabu

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tinatayang nasa P50 milyon ang halaga ng limang kilong shabu na nasamsam sa nadakip na Tsinoy matapos na sitahin ito habang nagmamaneho ng kotse sa isang police checkpoint kamakalawa ng gabi sa TM Kalaw St., Ermita, Maynila.

Kinilala ang suspek na si Wilson Salazar Sia, alyas “Wilson Rellesiva Sia”, 31-anyos, residente ng no. 75 P. Burgos St., Tacloban City at nakatira din sa Poblacion District 4, Julita, Leyte.

Sa ulat, dakong alas-9:10 ng gabi ay naglatag ng police checkpoint ang mga otoridad sa lugar dahil sa isang impor­masyon sa police asset na dadaan doon ang kotse na Hyundai Accent (FIF-236) na minamaneho ng isang drug dealer na si Zong Long alyas“Sonny Long”, Chinese national  na may nakabinbing warrant of arrest sa kasong paglabag sa illegal na droga na walang piyansa at may ka-transaksyon ito.

Subalit, nang parahin ang kotse ng suspek ay hindi si Long ang nagmamaneho kundi si Sia  at nang halughugin ang kotse ay nakita ang isang bag na naglalaman ng 5 kilong shabu.

BURGOS ST.

HYUNDAI ACCENT

KALAW ST.

POBLACION DISTRICT

SONNY LONG

TACLOBAN CITY

WILSON RELLESIVA SIA

WILSON SALAZAR SIA

ZONG LONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with