Ina isinama ang anak sa pag-suicide
MANILA, Philippines - Dahil sa takot na walang mag-alaga sa binatang anak na may sakit sa pag-iisip ay minabuti ng isang ina na may iniindang karamdaman na isama na niya ito sa kanyang pagpapakamatay nang tunggain nila ang softdrinks na may lason naganap sa Brgy. Soyung, Echague, Isabela.
Ang mag-ina na nasawi ay kinilalang sina Elnora Nicolas at anak na si Christopher ng nasabing lugar.
Sa imbestigasyon, may iniindang karamdaman ang biyudang ginang at takot na iwanan ang anak na nag-iisa sa buhay ay nagtungo sila sa sementeryo at doon sabay na tinungga ang softdrinks na hinaluan ng lason sa daga.

- Latest