^

Police Metro

Preso nang-agaw ng baril, todas sa jailguard

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dead-on-the-spot ang isang 39-anyos na preso nang ito ay barilin sa ulo at dibdib ng isa sa kanyang escorts na jailguard nang magtangkang mag-agaw ng baril kamakalawa sa sub-provincial jail sa bayan ng Allen sa Northern Samar.

Ang nasawi ay kinilalang si Gerry Espera.

Batay sa ulat, dakong alas-8:00 ng umaga habang eeskortan ng mga jailguard si Espera para iharap sa Allen Regional Trial Court (RTC) kaugnay ng kaso nitong abduction with rape nang bigla na lamang umanong agawin ang M16 rifle ng isa sa mga jailguard na escort nito na kinilala lamang sa apelyidong JO1 Espada.

Subalit nakaalerto ang isa pang jailguard na si JO1 Nick Magdaraoag na agad binunot ang kaniyang baril saka pinaputukan ng sunud-sunod si Espera.

Ang suspek na si Espera ay isang nadismis na military intelligence officer na nahaharap rin sa iba pang kasong kriminal kaugnay naman ng pagkakapatay kay Fr. Cecilio Lucero, isang human rights activist sa lalawigan noong Setyembre 6, 2009.

 

vuukle comment

ALLEN REGIONAL TRIAL COURT

BATAY

CECILIO LUCERO

ESPERA

GERRY ESPERA

JAILGUARD

NICK MAGDARAOAG

NORTHERN SAMAR

SETYEMBRE

SUBALIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with