^

Police Metro

Kandila na ginamit sa brownout natumba... 4 paslit natusta sa sunog

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakulong sa nasusunog nilang bahay ang apat na batang magkakapatid kabilang ang isang sanggol naganap kamakalawa ng gabi sa Brgy. Bulakin, Dolores, Quezon.

Halos natusta ang magkakapatid na kinila­lang sina Ella Medrano, 8; Jonmar Medrano, 6; Mark Rebenito, 4; at Jasmin  Rebenito, 1.

Sa ulat ng Quezon Provincial Police Office (PPO), bago nangyari ang sunog pasado alas-9:00 ng gabi ay nagsindi umano ng kandila ang panganay na si Juana, 13 dahil sa brownout sa kanilang bahay.

Nabatid na nagka-blackout sa lugar matapos namang mag-bog down ang Pagbilao Po­wer Plant na nakaapekto sa supply ng kuryente sa lalawigan.

Matapos na sindihan ang kandila ay iniwan nito ang mga paslit na kapatid na mahimbing na natutulog.

Pagkalipas ng 45 minuto sa pagbalik ni Juana ay nakita na lamang niya na nilamon ng apoy ang kanilang bahay na mabilis na natupok dahil gawa lamang ito sa pawid, kawayan at sawali.

Humingi ito ng tulong sa pinakamalapit nilang kapitbhay sa lugar, subalit hindi na nagawang maisalba ang kanyang apat na kapatid.

Wala sa bahay ang ama at ina na kapwa nagtatrabaho sa San Pablo City, Laguna at ipinagkatiwala ito kay Juana.

vuukle comment

BRGY

BULAKIN

ELLA MEDRANO

JONMAR MEDRANO

JUANA

PAGBILAO PO

QUEZON PROVINCIAL POLICE OFFICE

REBENITO

SAN PABLO CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with