Zoren Legaspi kinasuhan ng BIR
MANILA, Philippines - Kasong tax evasion ang isinampa ng Bureau of Internal Revenue laban sa actor na si Zoren Legaspi sa Department of Justice dahil sa hindi umano pagdedeklara ng tamang income tax return (ITR) para sa taong 2010 at 2012.
Ayon kay BIR Commissioner Kim Henares, may P4.45 milyon ang hinahabol na buwis kay Legaspi na hindi nito nabayaran sa ahensiya.
Sinabi ni Henares na noong 2010, umabot sa P9.64 milyon ang kinita ni Legaspi, subalit ang naideklara lamang nito sa kanyang ITR ay P6.79 milyon.
Nilinaw ni Henares na umaabot sa 42 percent ang underdeclared income ni Legaspi noong 2010 at 256 percent noong 2012 kayat umaabot sa P4.45 milyon ang tax liability nito sa gobyerno.
Ang kaso laban sa actor ay ika-240 na naisasampa ng BIR sa ilalim ng Run After Tax Evaders o RATE.
- Latest