^

Police Metro

Ginang hinoldap, ni-rape/slay ng binatilyo

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Walang awang pinatay at hinalay ng isang 17-anyos na binatilyo ang isang 47-anyos na ginang na kanyang hinoldap kamakalawa ng  gabi sa Brgy. Opong, Tagana-an, Surigao del Norte.

Ang biktima ay kinilalang si Elizabeth Horbuda, may-asawa, residente ng Sitio California ng nasabing barangay.

Sa ulat, dakong alas-5:30 ng hapon nang maganap ang krimen sa Sitio California, Brgy. Opong, Tagana-an ng lalawigan.

Lumalabas sa imbes­tigasyon na nag­lalakad ang biktima sa nasabing lugar nang harangin at holdapin ng suspek na itinago sa pa­ngalang  Jimmy, 17-an­yos, obrero at naninirahan rin sa naturang barangay.

Dito ay kinaladkad ng suspek sa damuhan ang ginang at hinalay na hindi pa nakuntento ay pinaslang pa matapos na pagpupukpukin ng bato sa ulo.

Nang mapatay ang ginang ay  itinapon niya ito sa isang abandonadong tunnel sa magubat na bahagi ng lugar.

Ang suspek ay nakilala matapos na  isang residente sa lugar ang nakakita dito na tumatakbo at duguan ang damit.

Nagsagawa nang  follow-up operations ang mga otoridad at naaresto ang suspek at nakuha mula sa pag-iingat nito ang Nokia cellular phone at isang pares ng tsinelas ng biktima.

Inilagay sa kustodya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang suspek.

 

vuukle comment

BRGY

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

DITO

ELIZABETH HORBUDA

INILAGAY

LUMALABAS

OPONG

SITIO CALIFORNIA

TAGANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with