^

Police Metro

PH-US Balikatan 2014 sinimulan na

Joy Cantos, Ellen Fernando - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagsimula na kahapon ang PH-US Balikatan 2014 military exercises na naglalayong pala­kasin pa ang maritime surveillance operations at humani­tarian civic assistance at disaster response, isang linggo matapos ang pagbisita ni US President Barack Obama sa bansa.

Si Obama ay nangako ng “ironclad’ na pagdepensa o pagsaklolo sa Pilipinas laban sa sinumang  bansa na magtatangkang agawin ang teritoryo nito na bagaman hindi naman direktang tinukoy ay direktang tinamaan ang China sa pagiging agresibo nito sa mga inaangking isla sa West Philippine Sea .

Bago umalis si Obama sa Pilipinas noong nakalipas na linggo ay tiniyak nito na tatalima ang Estados Unidos sa 1951 Mutual Defense Treaty (MDT) na nagpapatatag pa sa al­yansa sa pagitan ng kanilang bansa at ng Pilipinas.

Ayon naman kay Lt. Annaleah Cazcarro, co-Director ng Combined Joint Information Bureau ng Balikatan 2014 ang ika-30 Balikatan drills ay nilahukan ng 3,000 sundalong Pinoy at 2,500 tropang Kano na tatagal hanggang Mayo 16.

Ang Balikatan 2014 ay tatampukan ng live fire drills, search and rescue operations at humani­tarian civic and disaster response sa mga piling lugar sa Zambales, Fort Magsaysay sa Nueva Ecija, Legazpi City, Albay; Palawan, Crow Valley, Tarlac  at iba pa.

 

ANG BALIKATAN

ANNALEAH CAZCARRO

BALIKATAN

COMBINED JOINT INFORMATION BUREAU

CROW VALLEY

ESTADOS UNIDOS

FORT MAGSAYSAY

LEGAZPI CITY

PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with