Mister dinedo ng kaalitan
MANILA, Philippines - Dedo ang isang mister makaraang saksakin ng matagal na nitong kaalitan sa Navotas City kahapon ng madaling araw.
Nakilala lamang ang biktima sa alyas “Bahoâ€, tinatayang nasa edad 40-anyos, at tadtad ng tattoo sa buong katawan. Nadakip naman ng pulisya ang suspek na si Joma Sta. Maria, 37, ng M. Aquino Street, Brgy. Niugan, Malabon City.
Ayon sa report, mag-isang naglalakad sa Northbay Boulevard South ang biktima dakong ala-1:30 ng madaling araw nang sumulpot at pagsasaksakin ito ni Sta. Maria pagsapit sa tapat ng Baron KTV bar.
Agad na tumakas palayo ang suspek matapos ang pananaksak ngunit nakorner din ito ng mga humabol na barangay tanod at mga pulis.
Sinabi ni Sta. Maria na naghiganti lamang umano siya sa unang atraso na ginawa sa kanya ng biktima.
- Latest
















