^

Police Metro

Ginang sinalvage sa Tondo

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang hindi pa nakikilalang babae ang hinihinalang sinalvage at itinapon ang bangkay nito  sa  Road 10, Vitas, Tondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Inilarawan sa ulat ni PO3 Dennis Turla, ng Manila Police District-Homicide Section,  ang biktima na nasa edad 30-35, may taas 5’2-5’4, nakasuot ng kulay itim na sando at puting short pants.

Hinihinalang pinatay sa ibang lugar at itinapon sa Road 10 ang biktima na may nakitang saksak sa leeg.

Dakong alas-4:00 ng madaling araw nang mapansin ni Mamerto Fabian, security guard sa isang supermarket ang bangkay ng babae.

 Wala namang ibang sugat sa  katawan ang biktima maliban sa mga saksak na nakita sa leeg nito. Dinala ang bangkay ng biktima sa Nathan Funeral para sa awtopsiya at safekeeping.

Nanawagan naman si Homicide Section chief, Insp. Steve Casimiro sa publiko na sinumang nawawalan ng kaanak na tugma sa nasabing deskripsiyon ay makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan para makatulong sa isinasagawang imbestigasyon.

 

vuukle comment

DAKONG

DENNIS TURLA

DINALA

HINIHINALANG

HOMICIDE SECTION

INILARAWAN

MAMERTO FABIAN

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

NATHAN FUNERAL

STEVE CASIMIRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with