Congw. Arroyo pinayagang magpagamot sa St. Lukes
MANILA, Philippines - Inaprubahan ng Sandiganbayan ang kahilingan ni Pampanga Rep.Gloria Macapagal-Arroyo na sumailalim sa ilang pagsusuri sa St. Lukes Medical Center.
Agad inatasan ng graft court ang mga nagbabantay kay Arroyo na bumalangkas ng security plan para sa dating Pangulo na isasailalim sa urodynamic test na wala umano sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) na kung saan ay naka-hospital arrest ito dahil sa mga kasong plunder at katiwalian kaugnay ng ZTE broadband deal at paglustay umano sa pera ng PCSO.
Samantala, sinabi naman ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, na iginagalang ng Palasyo ang desisyon ng Sandiganbayan.
Papasanin ni Gng. Arroyo ang magiging gastos nito sa St.Lukes at hindi ito kakargahin ng gobyerno.
- Latest
- Trending