Deniece malapit na rin madakip
MANILA, Philippines - Bilang na umano ang araw at madadakip na ng National Bureau of Investigation ang modelong si Deniece Cornejo na kasama sa ipinaaaresto ng korte sa kasong serious illegal detention kaugnay nang pambubugbog kay actor/TV host Vhong Navarro nang matukoy ang kinaroroonan nito.
Ito ang sinabi ng NBI sa isang pulong balitaan na pinangunahan nina NBI-National Capital Region, Director Atty. Elfren Meneses at Assistant Regional Director Jun De Guzman matapos na iharap sa media ang mga naarestong sina Cedric Lee at Simeon “Zimmer†Raz na kasalukuyang nakapiit sa NBI detention facility.
Hindi na idinetalye ang lugar na kinaroroonan ni Deniece upang hindi masunog ang patuloy na manhunt.
Mistulang balewala lang sa dalawang akusado ang pagkakahuli sa kanila dahil maaliwalas ang kanilang mukha na mistulang walang pangamba sa nangyayari dahil nagagawa pang ngumiti at makipagbiruan.
Kahapon ng hapon ay isusumite na sa Taguig Regional Trial Court Branch 271 ang return of the warrant matapos maaresto sina Lee at Raz.
Mananatili muna ang mga ito sa NBI detention facility habang hinihintay pa ang ipalalabas na commitment order ng hukuman o ang kautusan kung saang kulungan sila dapat na ikulong.
Sina Lee at Raz ay naaresto ng pinagsanib na pwerÂsa ng NBI, ISAFP at PNP sa Oras, Eastern Samar noong Sabado.
Samantala, inihayag ni NBI Deputy Director Rafael Ragos, ang isa pang akusado na si Jed Fernandez, ay nakatakdang sumuko matapos magpadala umano ng surrender feeler sa kanila.
- Latest