^

Police Metro

Sunog: 50 bahay naabo

Lordeth B. Bonilla at Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - May kabuuang 50 tahanan ang naabo sa naganap na magkahiwalay na sunog sa Navotas City at Maynila kahapon.

Unang iniulat ng Navotas City Fire Department ang sunog ay sumiklab ng dakong ala-1:30 ng hapon sa isang squatters area sa M.  Naval St., sa lungsod kung saan ay 30 kabahayan ang naabo.

Dahil dikit-dikit ang mga bahay na gawa lamang ang mga ito sa light materials kung kaya’t mabilis na kumalat ang apoy hanggang sa umabot ito sa mga kabahayang nasa Lapu-Lapu St. Wala namang naiulat na nasawi o kaya’y nasaktan sa naganap na sunog.

Sa Maynila naman ay nasa 20 bahay ang tinupok ng apoy makaraang masunog ang isang apartment sa San Andres, kahapon ng umaga.

 Ang sunog sa panulukan ng Linao  at Anakbayan Sts., San Andres ay nagsimula ng dakong alas-7:26 ng umaga at nagtagal ng dalawang oras bago tuluyang naapula.

Itinaas sa Task Force Alpha ang nasabing sunog ilang minuto lamang ang nakaraan  dahil sa pawang yari sa light materials ang nasabing apartment.

Sa inisyal na ulat, unang nagsiklab ang bahay ng isang Kagawad Erlinda Salonga at mabilis na kumalat ang apoy sa kalapit na mga unit. Tinatayang nasa P3-milyon ang napinsalang ari-arian bagamat walang nasaktan o nasu­gatan sa insidente.

ANAKBAYAN STS

KAGAWAD ERLINDA SALONGA

LAPU-LAPU ST. WALA

NAVAL ST.

NAVOTAS CITY

NAVOTAS CITY FIRE DEPARTMENT

SA MAYNILA

SAN ANDRES

TASK FORCE ALPHA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with