^

Police Metro

Blue Ribbon Committee naduwag sa muling imbestigasyon ng pork barrel fund scam

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines - Matapos mapaulat na halos karamihan sa mga  senador ay sangkot sa scam at posib­leng mawalan ng quorum ang Mataas na Kapulungan ay tila naduwag ang Senate Blue Ribbon Committee na muling ipagpatuloy ang imbestigasyon sa P10 bilyong pork barrel fund scam.

Ayon kay Senator Teofisto Guingona III, chairman ng komite, nagpasya ang Blue Ribbon Committee na ma­ging maingat sa mga gagawin kaugnay sa pagpapatuloy ng hearing tungkol sa pork barrel fund scam matapos na aminin na may mga panawagan na ipagpatuloy ang pagdinig tungkol sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) kasunod ng umano’y paglalahad ni Janet Lim-Napoles ng mga nalalaman niya tungkol dito kay Justice Secretary Leila de Lima.

Sinabi pa ni Guingona na hihintayin muna ng komite na matapos ni De Lima sa pagdo-dokumento sa mga pahayag ni Napoles.

Subalit, kahit pa umano naisumite sa komite ang pahayag ni Napoles ay wala pa ring kasiguraduhan na ipagpapatuloy ang imbestigasyon dahil susuriin pa rin ito.

AYON

BLUE RIBBON COMMITTEE

DE LIMA

JANET LIM-NAPOLES

JUSTICE SECRETARY LEILA

NAPOLES

PRIORITY DEVELOPMENT ASSISTANCE FUND

SENATE BLUE RIBBON COMMITTEE

SENATOR TEOFISTO GUINGONA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with