^

Police Metro

Handang harapin ang pork scandal... Gigi Reyes nasa Pinas na

Pang-masa

MANILA, Philippines - “I’m facing the char­ges. I’ve always faced it,” .

Ito ang paniniguro ni Atty. Jessica ‘Gigi’ Reyes, dating chief of staff ni Senator Juan Ponce-Enrile, nang bu­malik sa bansa noong Sabado matapos ang 7 buwan simula nang umalis ito sa gitna ng kasagsagan ng P10 bilyon pork barrel scandal matapos ang  pagdating nito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon sa airline at immigration sources, si Reyes ay dumating sakay ng Philippine Airlines flight PR 105 mula sa San Francisco International Airport.

Siya ay guwardiyado sa pagdating sa NAIA Terminal 2 ng dalawang security personnel na nakasibilyan at isinakay sa isang pribadong sasakyan.

Si Reyes ay inakusa­han ng mga whistleblo­wers na  bagman ni  Enrile sa mga kickbacks galing pork barrel scam sangkot ang negosyanteng si Janet Lim Napoles.

Magugunita na noong  Abril 1, ay nakitaan ng Ombudsman ng probable cause para sampahan ng  plunder at graft charges laban kina  Senators Enrile, Jose “Jinggoy” Estrada Jr., Ramon “Bong” Revilla at iba pa kabilang si Reyes dahil sa pork barrel scam.

Sinabi na noon ni Enrile na tiwala siya na hindi siya isasangkot ni Reyes sa nasabing anomalya dahil wala naman itong natatanggap na mga kickback mula  pork barrel transactions na una na rin nitong itinanggi.

Samantala, ikinatuwa ng Malacañang ang pagbabalik sa bansa ni Reyes na inaasahang makakapagbigay-linaw sa pork barrel scam isyu. -Rudy Andal, Malou Escudero-

ENRILE

ESTRADA JR.

JANET LIM NAPOLES

MALOU ESCUDERO

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

PHILIPPINE AIRLINES

REYES

RUDY ANDAL

SAN FRANCISCO INTERNATIONAL AIRPORT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with