^

Police Metro

Lookout bulletin sa grupo ni Cedric Lee, tuloy pa rin

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nananatiling epektibo ang lookout bulletin laban kina Cedric Lee, Deniece Cornejo at iba pa  lalo na  ngayong sinampahan ng kasong serious illegal detention at grave coercion ng Department of Justice ang mga ito  dahil sa pambubugbog sa TV host-actor na si Vhong Navarro.

Ito ang tiniyak ng  Bureau of Immigration  (BI) at haharangin pa rin nila si Lee at mga kasamahan sakaling tangkain nitong lumabas ng bansa.

Nabatid na usap usapan na nagbalak itong lumabas ng bansa patu­ngong Dubai dahil sa naka-book ang mga ito sa Cebu Pacific Flight 5J9744. 

Nakatakda  sana uma­nong umalis ng bansa si Lee dakong alas-4:00 ng hapon kahapon, subalit kinansela na din ang  tiket nito.

Inilabas ng Department of Justice ang lookout bulletin noong Enero kasunod nang paghain ng kasong kriminal ni Navarro sa grupo ni Lee.

Kaugnay nito, inaasahan na rin umano ang paglabas ng arrest warrant laban sa grupo ni Lee at Cornejo pagkatapos ng unang araw nang pagdinig sa Abril 15.

Una nang pinasisipot ng korte ang magkabilang kampo matapos na tuluyan nang sampahan ng kasong serious illegal detention at grave coercion ang grupo ni Lee.

 

ABRIL

BUREAU OF IMMIGRATION

CEBU PACIFIC FLIGHT

CEDRIC LEE

CORNEJO

DENIECE CORNEJO

DEPARTMENT OF JUSTICE

VHONG NAVARRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with