^

Police Metro

HLURB pinasok ng kawatan

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi pinatawad ng mga kawatan ang tanggapan ng House and Land Use Regulatory Board (HLURB), matapos na pasukin at tangayin ang mga mahala­gang kagamitan ng mga kawani nito, ayon sa pulisya kahapon.

Ang abogadong si Lorina Rigor, arbiter ay personal na naghain ng reklamo sa  Anonas Police Station nang matangayan ng Toshiba laptop na nagkakahalaga ng 100,000 habang hindi pa  batid ang halaga ng mga nawalang kagamitan sa ibang empleyado.

Malaki rin ang pagtataka ng pulisya kung bakit napasok pa ito ng mga kawatan, dahil ang compound ng HLURB ay may mga guwardiya at may mga surveillance camera.

Nadiskubre ang panloloob dakong alas 12:30 ng tanghali ng nagpapatrulyang security guard at makitang bahagyang nakabukas ang pintuan ng adjudication building at nang kanyang tingnan ang loob nito ay nagkalat na ang mga mesa at iba pang mga gamit dito.

Nakuha naman sa CCTV na dakong ala 1:33 ng madaling araw ang pag-akyat sa pader ng isang hindi nakikilalang lalaki sa nasabing compound kung saan ito ang hinihinalang responsible sa pagnanakaw.

Pinayuhan naman ng pulisya ang pamunuan ng HLURB na magkaroon ng taong nagmo-monitor  sa kanilang CCTV.

vuukle comment

ANONAS POLICE STATION

HOUSE AND LAND USE REGULATORY BOARD

LORINA RIGOR

MALAKI

NADISKUBRE

NAKUHA

PINAYUHAN

TOSHIBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with