^

Police Metro

Kelot binoga, bulagta

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Bulagta ang isang hindi nakikilalang lalaki makaraang pagbabarilin sa ulo ng isa sa tatlong suspek sa Commonwealth Avenue, Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ni PO2 Jogene Hernandez, may-hawak ng kaso,  isinalarawan ang biktima sa pagitan ng edad na 25-30, nakasuot ng kulay puting t-shirt, kulay gray na pants, at camouflage na ball cap.

Ayon kay Hernandez, tatlong lalaki ang responsable sa pagpaslang sa biktima na sakay ng tig-isang motorsiklo  sa kanilang pagtakas.

 Nangyari ang insidente sa may kahabaan ng Commonwealth Avenue, malapit sa Fairlane St., Brgy. West Fairview ganap na alas-2:05 ng madaling araw.

 Sinabi ng security guard na si Vilmar Belen, nagbabantay siya malapit sa lugar nang marinig niya ang mga putok ng baril  na agad naman nitong pinuntahan kung saan naabutan niya na nakabulagta ang biktima at wala ng buhay, habang ang dalawang suspek ay agad din tumakas sakay ng kanilang motorsiklo.

Mabilis na ipinagbigay alam ni Belen ang pangyayari sa barangay na siya namang tumawag ng otoridad para sa imbestigasyon.

Patuloy ang pagsisiyasat ng mga awtoridad sa nasabing insidente.

vuukle comment

AYON

BELEN

BRGY

BULAGTA

COMMONWEALTH AVENUE

FAIRLANE ST.

JOGENE HERNANDEZ

QUEZON CITY

VILMAR BELEN

WEST FAIRVIEW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with