2 rebelde napatay sa bakbakan
MANILA, Philippines - Nasawi sa isang bakbakan ang dalawang miÂyembro ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) habang isa ang nasugatan nang makasagupa ng tropa ng mga sundalo sa bayan ng Pamplona, Negros Oriental kamakalawa.
Batay sa ulat, bandang alas-6:30 ng umaga nang makasagupa ng tropa ng Army’s 79th Infantry Battalion (IB) sa pamumuno ni 1Lt. John Tumamao ang grupo ng mga armadong rebelde sa Brgy. Balayong, Pamplona habang nagsasagawa ng security operations.
Tumagal ang bakbakan ng ilang minuto bago nagsiatras ang mga rebelde matapos na mapaslang ang dalawa sa kanilang mga kasamahan.
Wala namang naiulat na nasugatan at nasawi sa panig ng militar habang narekober din sa encounter site ang limang M16 rifles.
- Latest