^

Police Metro

Mag-asawang Tiamzon mabubulok sa bilangguan-PNP

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inihayag ni PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP –CIDG) Director P/Chief Supt. Benjamin Magalong na matibay ang kasong kriminal laban sa mag-asawang itinuturing na top 1 at top 2 na lider ng CPP-New People’s Army (CPP-NPA) na sina Benito at Wilma Tiamzon kaya’t mabubulok ito sa bilangguan.

“Confident di na maka­kalabas, very strong, we will sustain yung offensive, nakita nyo background ni Wilma Tiamzon, twice sya tumakas, she is actually a flight risk, di basta-basta pakawalan ng court,” ani Magalong.

Anya, matibay ang ebidensya ng PNP at ma­ging ng AFP sa mag-asawang lider ng mga rebeldeng komunista kabilang na rito ang mga mass graves ng mga biktima ng summary execution na pinaslang ng mga ito sa hinalang espiya ng gobyerno at nagtratraydor sa kilusan.

“Very, very strong yung case naming especially yung mga warrants of arrest, revisiting cases, dun sa  Leyte, review cases pa sa Quezon, at sa ibang lugar, Visayas, maganda rito pieces of evidence ay intact, napaka­lakas ng case,” giit pa ng opisyal.

Ang mag-asawang Tiamzon ay nakapiit sa PNP Custodial Center sa Camp Crame matapos ang mga itong ibiyahe sa Maynila kasunod ng kanilang pagkakaaresto noong Marso 22 ng hapon sa Alonguinsan, Cebu.

Nasamsam mula sa mag-asawa ang apat na handgun at dalawang granada gayundin ang dalawang tuta at isang pusa.

ALONGUINSAN

BENJAMIN MAGALONG

CAMP CRAME

CHIEF SUPT

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

CUSTODIAL CENTER

DIRECTOR P

NEW PEOPLE

WILMA TIAMZON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with