Bangkay ng binatilyo, nadiskubre sa bahay ng lider ng kulto
MANILA, Philippines - Isang lider ng kulto ang inaresto nang pinagsanib na operatiba ng pulisya at National Bureau of Investigation (NBI) Central Visayas matapos na madiskubre sa bahay nito ang kalansay ng isang 15-anyos na binatilyo na nagresulta rin sa pagkakasagip sa isang babaeng limang taon na ikinulong sa bahay nito sa Balamban, Cebu kamakalawa.
Kinilala ang nasakoteng lider ng kultong “Diyos Amahan “ na si Casiano Legaspino Apduhan alyas “Tatay Loroy Jrâ€, 45 at dinakip din ang isa nitong tagasunod na tinukoy na si Victor Fajardo.
Batay sa ulat, bandang alas-7:00 ng umaga nang salakayin ng mga otoridad ang bahay ni Apduhan sa Sitio Laray 3, Brgy. Buanoy, Balamban at nasamsam ang dalawang armas at isang itak.
Nasagip din sa opeÂrasyon ang 33-anyos na si Emma Nepomuceno na may limang taong ikinuÂlong ng nasabing kulto habang nadiskubre rin sa tunnel ng bahay ni Apduhan ang kalansay ng 15-anyos na si Angelo Repuela.
Sa inisyal na imbestigasyon, si Repuela ay pinaslang umano ng nasabing kulto matapos ialay ang dugo nito sa kanilang dambana saka inilibing sa basement ng bahay ni Apduhan.
Nabatid na ang raid ay isinagawa sa bisa ng search warrant na inisyu ng korte matapos namang humingi ng tulong sa lokal na pamahalaan sa lalawigan ang pamilya ng nawawalang si Nepomuceno na pinalabas umanong nasa Italya pero ikinulong pala ng kulto.
Naghinala ang pamilÂya ni Nepomuceno na nasa loob lamang ng isa sa mga silid ni Apduhan si Emma matapos na isa sa mga ito ang mag-usisa sa compound ng kulto at magpanggap na sasapi sa ‘Diyos Amahan’.
Kasong murder, illegal detention at illegal possession of firearms ang ikinaso sa lider ng kulto at tagasunod nito.
- Latest