^

Police Metro

Sunog sa Tondo: 150 bahay naabo

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang malaking sunog ang sumiklab kahapon ng madaling araw sa Tondo, Maynila at tinatayang nasa 150 kabahayan ang naabo.

Ayon sa Manila Fire District, ang sunog ay naganap dakong ala-1:00 ng madaling araw sa CP Garcia St., at Road 10 sa Tondo, Maynila at nagtagal ng hanggang alas-7:00 ng umaga at umabot sa Task Force Bravo ang alarma bago tuluyang naapula.

Sinasabing gawa lamang sa kahoy at dikit-dikit ang mga bahay kaya mabilis na nalamon ng apoy.

Umaabot sa  200 hanggang 250 pamilya ang nawalan ng tirahan sa nasabing sunog na ngayon ay pansamantalang kinakanlong sa covered court at eskuwelahan ng Tondo ang mga nasunugan.

Tinatayang aabot sa P5-M  ang halaga ng mga ari-arian na naabo sa sunog na hindi pa alam kung ano ang tunay na pinagmulan nito.

 

vuukle comment

AYON

GARCIA ST.

ISANG

MANILA FIRE DISTRICT

MAYNILA

SINASABING

SUNOG

TASK FORCE BRAVO

TINATAYANG

UMAABOT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with