^

Police Metro

Karibal sa pag-ibig dinedo ng pulis

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Namatay habang nilalapatan ng lunas ang isang 33-anyos na lalaki nang ito ay barilin ng isang opisyal ng pulis sa Angono, Rizal na sumugod para bawiin ang dating nobya na kinakasama na ng una na naganap kamakalawa ng gabi sa Sampaloc, Maynila.

Ang biktima na nasawi sa Mary Chiles Hospital ay kinilalang si  Rizalino Ragel, residente ng no. 948 Lerma, Sampaloc, Maynila dahil sa tinamong bala sa dibdib.

Ang suspek na tumatakas ay kinilalang si Senior Inspector Bricks Reamillo.

Batay sa ulat, dakong alas-10:45 ng gabi nang su­gurin ng suspek ang bahay ng biktima upang bawiin ang dating nobya na si Loreta Ocener, 45-anyos sa biktima.

Narinig ni Ocener ang boses ni Reamillo na sumi­sigaw sa kanilang pintuan at pinabubuksan ito at nang hindi binuksan ay puwersahan itong pumasok at hinarap ang biktima at agad binaril.

Matapos barilin ang biktima ay kinaladkad umano si Ocener palabas ng bahay at pilit na isinasama ng suspek.

Nang makarating na sila sa Nicanor Reyes St., sa Sampaloc, ay nakakuha ng tiyempo si Ocener na itulak ang nasabing pulis at tumakas. Binalikan niya ang biktima at isinugod sa ospital at pagkalipas ng ilang oras ay nasawi rin ito.

 

vuukle comment

ANGONO

BATAY

LORETA OCENER

MARY CHILES HOSPITAL

MAYNILA

NICANOR REYES ST.

OCENER

RIZALINO RAGEL

SENIOR INSPECTOR BRICKS REAMILLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with