^

Police Metro

Pinas pinuri ng Taiwan sa pagsampa ng kaso vs 8 miyembro ng Coast Guard

Ellen Fernando - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inihayag ni Taiwanese President Ma Ying-jeou na nasisiyahan siya sa naging hakbang at desisyon ng  DOJ na masampahan ng kaso at maparusahan ang 8 miyembro ng Philippine Coast Guard na responsable sa pagpatay sa 65-anyos na mangingisdang Taiwanese na si Hung Shih-cheng.

Sa kalatas na ipinalabas ng Taiwanese Ministry of Foreign Affairs (MOFA), binigyan ng komendasyon ng People’s Republic of China (PROC) ang DOJ special panel matapos ang pagpapalabas ng resolusyon na inianunsyo noong Marso 18 na sampahan ng kasong kriminal ang mga tauhan ng PCG na sangkot sa pagkasawi ni Hung sa Balintang Channel noong  Mayo 9, 2013.

Ayon sa MOFA, ang paborableng ruling o desisyon ng DOJ ay maituturing nang panalo para sa minimit­hing hustisya mula sa hanay ng pamilya ng biktima at gobyerno ng Taiwan.

Magugunita na nabahiran ang magandang relasyon ng Taiwan at Pilipinas sa pagkakapaslang kay Hung.

AYON

BALINTANG CHANNEL

HUNG SHIH

INIHAYAG

MAGUGUNITA

PHILIPPINE COAST GUARD

REPUBLIC OF CHINA

TAIWANESE MINISTRY OF FOREIGN AFFAIRS

TAIWANESE PRESIDENT MA YING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with