^

Police Metro

Nahuling nagnanakaw... bagets inutas ng sekyu

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dead-on-the-spot ang isang 16-an­yos na bina­tilyo nang ito ay barilin sa ulo ng isang sekyu matapos maaktuhan ang una na umano ay nagnanakaw ng kawad ng kuryente sa compound ng isang eskwelahan sa Quezon City kahapon ng umaga.

Ang nasawi ay kinila­lang si Melven Dulo, ng no. 18 Leric B, Brgy. Greater Fairview.

Ang suspek na dinakip ng pulisya ay kinilalang si Rodrigo Vinson Jr., may-asawa.

Sa ulat, dakong alas-7:10 ng gabi sa loob ng compound ng Flos Carmeli School na matatagpuan sa no. 12 Cormel St., Brgy. Greater Frairview nang maganap ang pamamaril ng suspek sa biktima.

Sa salaysay ng isa pang sekyu na si Enrique Sibonga, ng nasabi ring paaralan na nakarinig siya ng putok ng baril mula sa garbage room at nang kanyang puntahan ay nakita niya ang suspek na may hawak ng baril at inamin na binaril nito ang biktima.

Ayon pa sa suspek na inatake siya umano ng saksak ng biktima nang mahuli niya itong nagnanakaw ng mga kawad ng kuryente kaya’t nagawa niya itong barilin.

Sinabi naman ng mga kaanak ng biktima na imposib­leng gawin ang pagnanakaw dahil sa kilala ito ng suspek at kanyang nauutusan.

vuukle comment

BRGY

CORMEL ST.

ENRIQUE SIBONGA

FLOS CARMELI SCHOOL

GREATER FAIRVIEW

GREATER FRAIRVIEW

LERIC B

MELVEN DULO

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with